Sa buhay natin minsan mali ang akala ay madali lang pala. Pero sa kasaysayan ng ating Pilipinas, hindi dapat ito binabalewahan. Sa trabaho kung malaki kinikita mo, kinakaltas minsan ito sa sahod mo sa gastos ng SSS at iba pang benepisyo ng iyong pinapasukan na kumpanya.

 

Bawat Pilipino sa mundo ay maraming aspekto sa buhay. Minsan madali, misan mahirap at minsan naman ay kuntento na sa buhay kinakaharap mo. Kung ako ang tatanungin mo, hindi dapat ito iniitindi ng ganoon ka simple sa buhay. Dapat nga ikaw ay nagtatrabaho at nagbibigay sa pamilya. Sa sitwasyon ko naman, hindi ako anak ng mayaman at hindi din anak sa mahirap. Nasa kalagitnaan kami sa buhay namin ngayon. Super blessed kami ika nga. Dahil sa pinapakita ko parating nakangiti, baka yun pa ang blessed binigay sa akin ng Diyos.

 

Sa pagnenegosyo sa cellphone loading ko, mahirap sa umpisa kumita. Pero sanay na ako sa umpisa na mahirap. Walang negosyo hindi puwedeng madali, lahat ng negosyo minsan pinagdadaanan sa mahirap. Kung makikita mo sa mga SM malls, minsan sa buhay mo ba nakikita mo si Henry Sy nagbubukas ng pintuan ng mall. Hindi ba hindi. Siyempre may guwardiya na magbubukas sa iyo. Kung idadaan natin sa mahirap, parang wala na imposible sa buhay natin. Pero dapat maniwala sa kasabihan na, “All things are possible.” Kung maniniwala ka ng maniniwala habang buhay, maniniwala ka din sa sarili mo. Walang madali at walang mahirap. Lahat ito ay may punto sa mahirap at sa madali lamang.

 

Kung pag-uuspan natin maghanap-buhay, siguro malaking pinagdadaanan ko na diyan mula dati hanggang ngayon. Nag te-training ako sa contact center training yun nakaraan na buwan ng Marso. Masaya ako at nakapag training din sa wakas. Maraming din natutunan ako at nagkakaraon ako ng matitinong tao puwede mo ikasama mo sa buhay. Hindi kasi lahat ng tao, parehas-parehas sa pagtingin mo. Minsan nga ako pinagsabihan ng mongee o kaya ng mongoloid. Kasi hindi alam ng tao na meron pala ako yun, ako hindi nasasaktan dahil alam ko. Nakakaramdam din ako ng pighati minsan sa mga kagaya ko. Pero sinabihan mo ng ibang tao yun ay meron palang kapatid o anak o kamag-anak, magagalit siyempre sa iyo dahil meron din na down syndrome. So dapat mag ingat-ingatan natin din.

 

Ang mga negosyo at hanap buhay ay parehas lang ang tingin ko kung babasehan ito sa mga dapat hanapin sa ating kapaligiran. Basta may takot ka sa Diyos at naniniwala ka sa sarili mo, malayo mararating mo kagaya ko. Nagpapasalamat na rin ako na may mabuti akong pamilya at mabuti may kapatid ako at mabuti din mga kamag-anak nakikilala ko sa buhay nito.

Advertisements